July 29, 2026 | News by PISD


𝗧𝗛𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥𝗦𝗧𝗢𝗥𝗠 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬
Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang mga bayan ng Roxas, Bongabong, Bansud, at Gloria sa susunod na isa (1) hanggang (2) oras, ayon sa inilabas na Thunderstorm Advisory No.1 ng #SLPRSD ngayong alas-12 ng tanghali, 29 Hulyo 2026.
Lahat ay pinag-iingat sa mga posibleng epekto nito, kabilang na ang mabilis na pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.
SOURCE: Pagasa Southern Luzon

