Pangangalaga sa mga baybayin ng lalawigan, patuloy na isinusulong

July 28, 2026 | News by PISD

๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ฒ๐›๐š๐ฒ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง, ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ .

28 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Sinimulan ngayong araw ang Integrated Coastal Resource Management (ICRM) Planning Workshop para sa mga bayan ng Roxas, Mansalay, at Bulalacao, sa patuloy na pangangalaga sa kapaligiran at likas yaman sa mga baybayin ng Oriental Mindoro.

Ang gawaing ito ay bahagi ng pagbabalangkas ng Integrated Coastal Resource Management Plan (ICRMP) na magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga programa para sa pangangalaga at proteksyon ng mga baybayin at sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga komunidad.

Pinangunahan ito ng Conservation International Philippines sa ilalim ng Transformative Actions for Climate and Ecological Protection and Development (TRANSCEND) Project, sa pakikipagtulungan Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistโ€™s Office.

Nilahukan ang tatlong-araw na aktibidad ng mga kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan ng Roxas, Mansalay, at Bulalacao, kasama ang ibaโ€™t ibang konsernadong tanggapan sa Kapitolyo, national agencies, at iba pang stakeholders sa lalawigan.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/1HaPT4sLKg/

Scroll to Top