Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity, isasagawa sa Agosto 10-28

July 29, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฒ๐˜€-๐—ฅ๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—œ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐— ๐—ถ๐—ป., ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐Ÿฎ๐Ÿด

29 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan โ€“ Isasagawa ang mas pinalawak na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) sa lalawigan sa ika-10 hanggang ika-28 ng Agosto 2026 para sa mga batang may edad 6 hanggang 59 na buwan.

Ito ay bilang bahagi ng National Immunization Program ng pamahalaan na layuning mabigyan ng kaukulang bakuna kontra tigdas ang 95% ng populasyon ng mga bata na nabibilang sa nasabing edad.

Kaugnay nito, isinagawa ang Stakeholderโ€™s Convergence Meeting upang higit pang pagtibayin ang pagpaplano at implementasyon nito sa 14 na bayan at isang lungsod sa lalawigan.

Pinangungunahan ang inisyatibang ito ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Dr. Cielo Angela A. Ante, katuwang ang Provincial Department of Health Office (PDOHO), Municipal Health Offices (MHOs), mga lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Sa kaniyang naging mensahe, binigyang-diin ni PHO II Ante ang kahalagahan na maabot at mabakunahan ang mga bata sa bawat komunidad upang maitiyak ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang pagdami ng kaso ng measles at rubella sa lalawigan.

Gayundin, mahigpit ang kaniyang panawagan sa mga kabalikat a programa na higit pang paigtingin ang pagbibigay ng tamang impormasyon at makiisa sa paghikayat sa publikong magpabakuna ng mga bata.

Tiniyak naman ng bawat ahensya ang kanilang buong suporta para sa ikatatagumpay ng nasabing gawain.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/1BxFUgNTvv/

Scroll to Top