July 29, 2026 | News by PISD

LPA, NAGDADALA NA NG MGA PAG-ULAN SA ILANG BAHAGI NG LUZON ![]()
![]()
Nagpapaulan na sa malaking bahagi ng #MetroManila, #CALABARZON, #CentralLuzon, at sa mga probinsya ng #Isabela at #Quirino ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) na ngayon ay nasa bahagi na ng #BicolRegion.
Inaasahang magpapatuloy ang mga pag-ulan sa mga nabanggit na rehiyon at lugar dahil sa inaasahang pagtawid ng LPA sa kalupaan ngayong araw.
Manatiling alerto at handa sa banta ng mga biglaang pagbaha at mga pagguho ng lupa.

