July 28, 2026 | News by PISD


π,πππ ππ’ππ₯π²π¬π’π¬ πππ¬π¬π’π¨π§π¬ π§π ππ§π π§ππ’πππ₯π π¬π ππ«π’ππ§πππ₯ ππ’π§ππ¨π«π¨ πππ§ππ«ππ₯ ππ’π¬ππ«π’ππ ππ¨π¬π©π’πππ₯ (πππππ) ππ’ππ₯π²π¬π’π¬ πππ§πππ«.
Noong November 25, 2024 binuksan sa publiko ang Dialysis Center sa Oriental Mindoro Central District Hospital (OMCD) sa Bayan ng Pinamalayan. Simula noon, tinatayang 2,314 LIBRENG DIALYSIS SESSIONS na ang isinagawa sa pasalidad para sa 115 pasyente.
Ang Dialysis ay mahalaga para sa mga taong may chronic kidney disease (CKD) na hindi na gumagana nang maayos ang kanilang mga bato. Bagamaβt hindi nito nagagamot ang sakit sa bato, ito ay mahalaga upang mapanatili ang buhay at kalusugan ng pasyente. Ito ay pang matagalang gamutan na kinakailangan ng lakas, pasensya at pera. Ipagpapatuloy natin ang LIBRENG DIALYSIS para magdugtungan ang buhay ng ating mga kababayan.

