Sektor ng Agrikultura, binigyan ng Community Health Awareness Lecture tungkol sa Zoonotic Diseases

July 26, 2026 | News by PISD

🩺 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗔𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗘𝗦𝗦: 𝗭𝗢𝗢𝗡𝗢𝗧𝗜𝗖 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗔𝗦𝗘𝗦

𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴

📍 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗠𝗲𝗿𝗶𝘁, 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼

📅 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗲 (𝗨𝗛𝗖) at pagpapaigting ng preventive health, nakiisa ang 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 (𝗣𝗛𝗢) ng 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 sa pamamagitan ng pagbibigay ng 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗟𝗲𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲 tungkol sa 𝗭𝗼𝗼𝗻𝗼𝘁𝗶𝗰 𝗗𝗶𝘀𝗲𝗮𝘀𝗲𝘀.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng ating mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor ng agrikultura hinggil sa mga sakit na maaaring maipasa mula sa hayop patungo sa tao. Tinalakay ang mga paraan ng pag-iwas, tamang pangangalaga sa mga hayop, pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran, at ang kahalagahan ng agarang pagpapatingin sa health facility kung may sintomas ng sakit.

Sa pamamagitan ng tamang impormasyon at sama-samang pagkilos, mas napapalakas natin ang kakayahan ng ating mga komunidad na makaiwas sa mga zoonotic diseases at mapanatili ang kalusugan ng bawat pamilyang 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗲ñ𝗼. Ang pagtutulungan ng sektor ng kalusugan at agrikultura ay mahalagang hakbang tungo sa isang mas ligtas at mas malusog na lalawigan.

💚 “𝗔𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗽𝗲𝗻𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁.”

🤝 “𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱, 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗶𝘀𝗮.”

.

.

.

.

𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐:

𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!💚

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Bh9aryAsa/

Scroll to Top