Mas matatag na samahan, mas maunlad na kabuhayan: Fisherfolk Associations sa Gloria, pinalakas sa pamamahala at Akreditasyon

July 27, 2026 | News by PISD

๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐’๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ฌ ๐Œ๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ ๐ง๐š ๐Š๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐š๐ง: ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐Ÿ๐จ๐ฅ๐ค ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ฌ๐š ๐†๐ฅ๐จ๐ซ๐ข๐š, ๐๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š ๐š๐ญ ๐€๐ค๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga fisherfolk associations sa lalawigan, matagumpay na naisagawa ang pagsasanay na may temang โ€œStrengthening Fisherfolk Associations through Accreditation and Governanceโ€ noong Hulyo 23โ€“24, 2026 sa Sangguniang Bayan Hall, Brgy. Maligaya, Gloria, Oriental Mindoro.

Layunin ng aktibidad na mapatatag ang mga asosasyon at mapaigting ang maayos na pamamahala tungo sa mas matibay at matagumpay na samahan. Katuwang sa pagsasanay ang Municipal Agriculture Officeโ€“Gloria at Malampaya Foundation Inc., na nagbigay suporta upang maisakatuparan ang programa.

Dinaluhan ito ng 36 na kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang samahan ng sektor ng aquaculture, fish processing, at capture fisheries. Sa loob ng dalawang araw, natutunan ng mga kalahok ang mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan hinggil sa Fisherfolk registration at mga tungkulin sa pamahalaang local, marine protected areas at responsibilidad ng mga mangingisda, parliamentary procedures sa pagsasagawa ng pulong, pagsusulat, pagsusuri, at pag-apruba ng mga resolusyon, mga batayang prinsipyo ng pamamahala at akreditasyon ng civil society organizations at mga proseso ng accreditation filing at compliance activity.

Naging posible ang pagsasanay sa tulong ng mga resource persons mula sa ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan. Kabilang dito sina Ms. Meljoy Malupa, Coastal Resource Management Coordinatorโ€“Gloria; Atty. Jake Magsisi ng Provincial Legal Office; Atty. Jean Phebie De Mesa mula sa Provincial Civil Society Organization Desk Office; at Ms. Nerissa Cuna mula sa Provincial Agriculturistโ€™s Office. Ang kanilang ibinahaging kaalaman at gabay ay nagsilbing mahalagang ambag upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng 10 asosasyon sa larangan ng akreditasyon at pamamahala, tungo sa mas matatag at matagumpay na samahan.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamumuno ni Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor, upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga fisherfolk associations tungo sa mas produktibo, kompetitibo, at sustenableng sektor ng pangisdaan sa lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GnSPkjiqj/

Scroll to Top