Dalawang tinatayang mga menor de edad, lumapastangan sa Fontana Del Gobernador sa Plaza ng Pinamalayan

July 27, 2026 | News by PISD

Ikinalulungkot natin na noong gabi ng July 25, dalawang tinatayang mga menor de edad ang lumapastangan sa Fontana Del Governador sa Plaza ng Pinamalayan.

Kita sa mga CCTV footage kung papaano nila ito ginawa. Walang pagaalinlangan.

Inatasan ko na ang mga Pulis na hanapin ang mga may kakagawan nito sa lalong madaling panahon. Nananawagan ako sa dalawang nagsagawa nito na kusa ng sumuko sa mga alagad ng batas o sa kanilang mga magulang na isuko nila ang kanilang mga anak sa lalong madaling panahon.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1UckGFJA54/

Scroll to Top