Pagsasaayos ng Building 4 ng OMPH, patapos na

July 23, 2026 | News by PISD

𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐀𝐘𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐈𝐋𝐃𝐈𝐍𝐆 𝟒 𝐍𝐆 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐇𝐎𝐒𝐏𝐈𝐓𝐀𝐋 (𝐎𝐌𝐏𝐇) 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐀.

Patuloy nating pinagsusumikapang mas maayos at mapaganda ang pasilidad at serbisyo ng mga pampublikong ospital sa lalawigan.

March 31 2026 ay binuksan na natin ang bagong ayos na Building 3 sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) na ginaganamit na ngayon ng ating mga kababayan. Isang malinis, maaliwalas at preskong silid-pagalingan para sa mga ordinaryong mamamayan.

Matapos ang halos 3 buwan, malapit nang matapos ang pagsasaayos ng Building 4 na magiging silid-pagalingan din ng ating mga kababayan. Samantalang kasunod naman nito ay ang pagsasaayos ng Building 2 at 1.

Source: https://www.facebook.com/share/p/14kgDnKEdD9/

Scroll to Top