Super Gulay: Ang benepisyo ng Kamatis

July 23, 2026 | News by PISD

𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧!💚

Super gulay ng araw: Kamatis 💚

Super Gulay: Masarap na, Puno pa ng Bitamina!

✅Mayaman sa Vitamin C – tumutulong sa pagpapalakas ng resistensya at pagpapabilis ng paggaling ng sugat.

✅May Vitamin A – mabuti para sa malinaw na paningin at malusog na balat.

✅May Lycopene – isang makapangyarihang antioxidant na tumutulong sa kalusugan ng puso at sa pagprotekta ng mga selula ng katawan.

✅May Fiber – nakatutulong sa maayos na panunaw at pagpapanatiling busog nang mas matagal.

✅Mataas sa Tubig – nakatutulong sa pagpapanatiling hydrated ang katawan.

🍽️Paano Isama sa Pagkain?

1. Idagdag sa ensalada o vegetable salad.

2. Isama sa tortang kamatis o omelet.

3. Ihalo sa sinigang, nilaga, o ginisang gulay.

4. Gawing sariwang salsa o tomato juice.

🥗 𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘶𝘵𝘳𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩, 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘶𝘴𝘵𝘢𝘯𝘴𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘭𝘢𝘺 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘯𝘨𝘨𝘢𝘺. 𝘚𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘴𝘰𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺!

#NutritionMonth2026

#HealthyDietGawingAffordableForAll

#SuperGulay

#KamatisPower

#PinggangPinoy

#HealthyOrientalMindoro

#PHOOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/14i8goAFDSL/

Scroll to Top