PAgO, nagbahagi ng kaalaman sa produksyon ng saging at pinya para sa mga katutubong pamayanan

July 23, 2026 | News by PISD

๐๐€๐ ๐Ž ๐๐š๐ ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐๐ฎ๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐š๐ญ ๐๐ข๐ง๐ฒ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ฒ๐š๐ง๐š๐ง ๐ŸŒ๐Ÿ

Patuloy na pinalalakas ang kabuhayan ng mga Katutubong Pamayanan (Indigenous Peoples) sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng makabagong kaalaman sa agrikultura.

Nagsilbing Resource Person ang Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO) sa Training on Banana and Pineapple Production na isinagawa ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) noong Hulyo 22, 2026 sa Brgy. Narra, Gloria, Oriental Mindoro. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Maunlad Na Katutubong Samahan ng Mansaring sa Kabuhayan (MAKASAMAKA) upang matutunan ang wastong teknolohiya sa produksyon ng saging at pinya.

Pinangunahan nina Engr. Christian Generato, Ms. Sharmaine Cruzado, at Mr. John Ivan Sode ng PAgO ang pagbabahagi ng mga teknolohiya at praktikal na kaalaman sa produksyon ng saging at pinya, habang pinangasiwaan naman ni NCIP – Service Center Head Ms. Eden M. Cenon ang pagsasagawa ng aktibidad.

Layunin ng pagsasanay na mapataas ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok upang makapagtatag ng mas produktibo at napapanatiling kabuhayan sa agrikultura.

Bilang pagpapatuloy ng programa, magkakaloob ang NCIP ng mga planting materials at iba pang farm inputs upang masuportahan ang aktwal na pagpapatupad ng kanilang mga natutunan.

Patuloy ang pagtutulungan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at ng Provincial Government of Oriental Mindoro, sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO), sa pagpapatupad ng mga programang nagpapalakas sa sektor ng agrikultura at lumilikha ng mas marami at mas napapanatiling oportunidad sa kabuhayan para sa mga Katutubong Pamayanan sa Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/share/p/194qe7DvXk/

Scroll to Top