Apolinario Mabini Day, ipinagdiwang

July 23, 2026 | News by PISD

𝗣𝗮𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 (𝗔𝗻𝗴 𝗗𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗺𝗽𝗼)

Ngayong araw, ipinagdiriwang ang ika-162 taong kaarawan ni Apolinario Mabini sa bisa ng Republic Act No. 9430.

Si Mabini ay isa sa mga bayaning Pilipino na may malaking ambag sa pagkamit ng kalayaan at pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas.

Sa kabila ng kaniyang kapansanan matapos dapuan ng sakit na Polio, ginamit niya ang kaniyang karunungan upang makiisa sa pakikibaka laban sa kolonyalismo.

Kabilang sa kaniyang mahahalagang naging kontribusyon ang pagsusulat ng mga akda, pagiging isang rebolusyonaryo, tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo at iba pa. Dahil dito, siya ang tinaguriang Utak ng Himagsikan.

Patunay lamang ang kaniyang kwento na ang paglilingkod ay hindi nasusukat sa pisikal na lakas, kundi sa galing, matibay na prinsipyo, at taos-pusong pagmamahal sa bayan. #ApolinarioMabini

Source: https://www.facebook.com/share/1Bt9oGQP7P/

Scroll to Top