Pagpapalakas ng Fiber Industry sa OrMin, pinagtibay sa pamamagitan ng PGOM-PHILFIDA Coordination Meeting

July 21, 2026 | News by PISD

ππ€π†ππ€ππ€π‹π€πŠπ€π’ 𝐍𝐆 π…πˆππ„π‘ πˆππƒπ”π’π“π‘π˜ 𝐒𝐀 πŽπ‘πˆπ„ππ“π€π‹ πŒπˆππƒπŽπ‘πŽ, ππˆππ€π†π“πˆππ€π˜ 𝐒𝐀 ππ€πŒπ€πŒπ€π†πˆπ“π€π 𝐍𝐆 ππ†πŽπŒ-ππ‡πˆπ‹π…πˆπƒπ€ π‚πŽπŽπ‘πƒπˆππ€π“πˆπŽπ πŒπ„π„π“πˆππ†

Bilang pagpapatuloy ng mga direktibang inilatag ni Gov. Bonz Dolor kasabay ng isinagawang training na may pamagat na “Operation and Maintenance of Multi-fiber Decorticating Machine (MFDM) for Banana Fiber Production” sa Brgy. San Gabriel, Victoria noong Hulyo 16, nagsagawa ng coordination meeting ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro noong Hulyo 20 na pinangunahan ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO). Kasama sa naging pagpupulong si Ms. Merlita Barrientos, Provincial Fiber Officer-PhilFIDA at mga kinatawan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO). Layunin ng pagpupulong na pag-isahin ang mga plano at hakbangin para sa pagpapaunlad ng industriya ng natural fibers sa lalawigan.

Ilan sa mga naging mungkahi ng PAgO ay ang paghahanda para sa isang tatlong araw na Investment-Technology Forum at Fiber Industry Stakeholders Consultation, na magsisilbing daan upang mapalawak ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor at makahikayat ng mga potensyal na mamumuhunan, at magsisilbing basehan ng pagbuo ng Oriental Mindoro Fiber Industry Development Roadmap. Sa pagtutulungan ng PAgO, Provincial Legal Office (PLO) at ng PhilFIDA, sinimulan narin ang pagbanghay ng Executive Order na magtatatag ng Oriental Mindoro Natural Fiber Industry Council. Tinalakay din ang pag-organisa ng mga kooperatiba ng mga magsasakang nagtatanim at nagpoproseso ng abaka at iba pang uri ng saging na pangungunahan naman ng PCDO. Tinalakay rin ang iba pang mga inisyatiba at direktibang isasagawa upang higit pang mapaunlad at mapalakas ang industriya ng natural fibers sa lalawigan.

Sa pamamagitan ng mga hakbanging ito, inaasahang magiging mahalagang haligi ang fiber industry sa pagpapalawak ng kabuhayan at paglikha ng mga bagong oportunidad sa Oriental Mindoro. Higit pa sa paglinang ng mga likas na yaman ng lalawigan, layunin nitong makapagbigay ng mas mataas na kita sa mga magsasaka at mga katutubong magtatanim, makahikayat ng pamumuhunan, at maitaguyod ang mga produktong tunay na gawang MindoreΓ±o sa mas malawak na pamilihan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Go8Pqe4J2/

Scroll to Top