Quiz Bee for PGOM Safety Officers, isinagawa

July 20, 2026 | News by PISD

๐—ค๐˜‚๐—ถ๐˜‡ ๐—•๐—ฒ๐—ฒ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—š๐—ข๐—  ๐—ฆ๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ๐˜๐˜† ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ

20 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan โ€” Upang sukatin ang antas ng kaalamang natutunan mula sa katatapos na disaster preparedness and response training ng mga Safety Officer ng mga tanggapan sa Kapitolyo.

Sa isinagawang Quiz Bee, nanguna si Engineer Lawrenz Jayson C. Liwag mula sa Provincial Health Office (PHO) at pumangalawa si Pauline Jane J. Pereyra mula sa Governorโ€™s Office-Internal Audit Services Division (GO-IASD). Sinundan ito nina Arjay Lucero sa ikatlong pwesto at Janjan C. Rivera sa ikaapat na pwesto, na kapwa kinatawan ng Provincial Accounting Office.

Ito ay kaugnay pa rin ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagdiriwang ng 38th National Disaster Resilience Month sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na maitaguyod ang kaligtasan ng mga kawani at mapataas ang antas ng kahandaan sa panahon ng sakuna.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EmdQny5Cd/

Scroll to Top