July 17, 2026 | News by PISD

𝗦𝗮𝗳𝗲𝘁𝘆 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹𝘆𝗼, 𝗺𝗮𝘀 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗛𝗮𝗻𝗱𝘀-𝗢𝗻𝗹𝘆 𝗖𝗣𝗥
17 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Higit pang hinuhubog ng Pamahalaang Panlalawigan ang kaalaman ng Safety Officers ng Kapitolyo sa pagbibigay ng agarang tulong upang makapagsagip ng buhay sa pamamagitan ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR).
Kasabay ng National CPR Day na ipinagdiwang ngayong araw, sinanay ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinangangasiwaan ni PGDH-PDRRM Officer Vinscent B. Gahol sa tamang pagsasagawa ng Hands-Only CPR ang Safety Officers ng Pamahalaang Panlalawigan at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Ito’y upang matiyak ang kanilang kahandaan na maghatid ng agarang tulong medikal sa oras ng emergency bilang mga empleyado at mamamayang kabilang sa mga unang maaaring tumugon kapag may naganap na emerhensiya sa trabaho, tahanan at komunidad.
