Pagsasanay sa Hands-Only CPR, isinagawa sa Pinamalayan

July 17, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Kaugnay pa rin ng pakikiisa sa pagdiriwang ng National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day, nagsagawa rin ng Hands-Only CPR Training ang Provincial Health Office (PHO) sa Punzalan Gym, Barangay Zone II sa Pinamalayan ngayong araw, Hulyo 17.

Pangunahing layunin ng aktibidad na madagdagan ang kahandaan at kasanayan ng mga komunidad sa tamang pagsasagawa ng CPR. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, nagiging katuwang ang lokal na komunidad sa pagliligtas ng buhay sa mga emergency situations.

Naging katuwang ng PHO sa naturang gawain ang Municipal Health Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Pinamalayan.

Nilahukan ang pagsasanay ng mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, mga kinatawan mula sa DepEd, mga kawani ng Pamahalaang Bayan at mga mag aaral.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/orminpio/posts/pfbid09zC2NETrr4mj3Vp3T4PBkAFW1VreVf22vTYr9cmsLmWC9LqK9tHeZUmE9mxjA7gal

Scroll to Top