Oriental Mindoro nakiisa sa National CPR Day, Hands-Only CPR Training isinagawa

July 17, 2026 | News by PISD

𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐨𝐫𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐏𝐑 𝐃𝐚𝐲, 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐬-𝐎𝐧𝐥𝐲 𝐂𝐏𝐑 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

17 Hulyo 2026, Gloria – Nakasentro sa temang “Estudyante’t Titser, sa Barangay, Ating mga Lifesaver,” nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pagdiriwang ng National Cardio Pulmunary Resuscitation (CPR) Day ngayong araw.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, isinasagawa ang Hands-Only CPR Training sa bayan ng Gloria na pinangungunahan ng Provincial Health Office (PHO) sa pamumuno ni Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante.

Layunin ng gawain na mapataas ang kamalayan at mabigyan ng kinakailangang pagsasanay ang mga myembro ng komunidad sa pagsasagawa ng CPR upang makatulong sa pagliligtas ng buhay sa panahon ng emergency.

Lumahok sa naturang pagsasanay ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Gloria, Barangay Health Emergency Response Team, Barangay Health Workers, Child Development Workers, mga kinatawan mula sa DepEd at iba pang emergency responders.

Naging katuwang naman ng PHO ang Municipal Health Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng Gloria.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BzPTDfvC8/

Scroll to Top