July 17, 2026 | News by PISD

𝗔𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝘀𝗲𝗴𝘂𝗻𝗱𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆.![]()
Ngayong araw, ipinagdiriwang ang 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗿𝗱𝗶𝗼𝗽𝘂𝗹𝗺𝗼𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗥𝗲𝘀𝘂𝘀𝗰𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗖𝗣𝗥) 𝗗𝗮𝘆 alinsunod sa Republic Act No. 10871.
Ang pagkakaroon ng kaalaman sa CPR ay isang paraan upang makapagbigay ng maagap na tulong pangkalusugan na isang mahalagang hakbang sa pagsagip ng buhay habang naghihintay sa pagdating ng mga propesyunal na rescuers at doktor.
Dahil dito, mahalagang ang bawat isa sa atin ay matuto at magkaroon ng kaalaman ukol sa tamang pagsasagawa nito para sa isang mas handa at mas ligtas na komunidad.
