July 17, 2026 | News by PISD

𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧!![]()
Super gulay ng araw: Mustasa ![]()
Super Gulay: Mustasa sa Hapag, Sigla ang Katapat!
Mayaman sa Vitamin A – tumutulong sa malinaw na paningin at malakas na resistensya.
May Vitamin C – tumutulong sa pagprotekta laban sa sakit at pagpapabilis ng paggaling ng sugat.
May Calcium – mahalaga para sa matibay na buto at ngipin.
May Folate at Iron – nakatutulong sa pagbuo ng malusog na dugo.
May Fiber – nakatutulong sa maayos na panunaw at pagpapanatiling malusog ang bituka.
Paano Isama sa Pagkain?
1. Igisa kasama ng bawang at sibuyas.
2. Ihalo sa tinola o nilagang ulam.
3. Isama sa pansit o noodle dishes.
4. Gawing sangkap sa vegetable soup o lugaw.
𝘕𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘶𝘵𝘳𝘪𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩, 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘸𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘶𝘴𝘵𝘢𝘯𝘴𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘭𝘢𝘺 𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘯𝘨𝘨𝘢𝘺. 𝘚𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘶𝘴𝘰𝘨 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘶𝘮𝘶𝘩𝘢𝘺!
