Presidential Scholarship Program, kaloob sa mga kabataang Mindoreño

July 15, 2026 | News by PISD

𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗹𝗮𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, 𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗲ñ𝗼

15 Hulyo 2026, Naujan – Buo ang suporta ng Pamahalang Nasyunal sa pagtataguyod ng edukasyon ng mga Mindoreño.

Nasa 250 mag-aaral mula sa mga barangay sa bayan ng Naujan ang benepisyaryo ng Php20,000.00 tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Nasyunal.

Kabilang ang mga ito sa libu-libong kwalipikadong benepisyaryo sa mga barangay sa lalawigan na makikinabang sa Presidential Scholarship ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa ilalim ng programa, limang scholars bawat barangay ang makatatanggap ng tulong pinansyal na laan upang matustusan ang kanilang mga gastusin sa paaralan.

Gagamitin dito ang Php100,000.00 pondo na magmumula sa kalahati ng Php200,000.00 na matatanggap ng mga Pamahalaang Barangay sa ilalim ng “Bawat Barangay Makikinabang” program.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Executive Secretary Ralph Recto na layunin ng inisyatibang ito ng Pangulo na matulungan ang mga mag-aaral na makatapos at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Gayundin, ipinahayag ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na sa bawat pangangailangan ng mamamayan, tutulong at susuporta ang pamahalaan.

Pinangasiwaan naman ang gawain ng mga kawani ng Governor’s Office sa pangunguna ni Chief of Staff Nette Dalupan.

Sinuportahan naman ito nina Sangguniang Panlalawigan Ex-Officio Member at Provincial ABC President Ralph Arjay Recto, 1st District Board Members Alely Casubuan-Tan at Ryan Arago, 2nd District Board Member Jomarc Philip Dimapilis, Naujan Mayor Joel Teves at Executive Assistant IV Joey Dalupan.

Nagsagawa rin ng monitoring ang Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni PHO II Dr. Cielo Angela A. Ante, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pangunguna ni PGDH-PDRRMO Vinscent B. Gahol at mga kapulisan upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo sa gawain.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18sDeHytTQ/

Scroll to Top