Php33M kabayaran sa ipinamahaging bigas, natanggap na ng limang rice producers sa lalawigan

July 15, 2026 | News by PISD

โ‚ฑ ๐Ÿฏ๐Ÿฏ๐—  ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€, ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

15 Hulyo 2026, Naujan – Natanggap na ng limang (5) rice producers sa lalawigan ang halagang โ‚ฑ 33M bilang kabayaran sa ipinamamahaging bigas sa unang tranche ng pagpapatupad ng Local Government Support Fund (LGSF) – Food Assistance ng Pamahalaang Nasyunal.

Kasama si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, pinangunahan ni Executive Assistant Ralph Recto, kinatawan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang pagbibigay ng tseke sa mga opisyal ng mga kooperatiba.

Kabilang dito ang Naujan Multi-Purpose Cooperative (NAMCO), Cacawan Sinag Agriculture Cooperative, Salcedo Irrigatorโ€™s and Farmerโ€™s Agriculture Cooperative (SIFAgCO), Calapan Farm Family Multi-Purpose Cooperative (CALFFAMCO), at Bongabong Coconut Farmers Multi-Purpose Cooperative (BOCOFAMCO).

Isa itong paraan ng pagkilala, pagpapahalaga at pagsuporta ng pamahalaan sa mga lokal na magsasaka upang higit pang mapalakas ang kanilang kabuhayan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang rice producers sa paunang kabayarang kanilang natanggap na malaking tulong upang patuloy na mapataas ang produksyon ng bigas para sa susunod na pag-arangkada ng programa.

Samantala, nakiisa rin sa gawain sina Bokal Ryan Arago, Bokal Ralph Jonnel Recto, Bokal Alexandra “Aleli” Casubuan-Tan, at Bokal Marion Francis Marcos, mga punumbayan na sina Naujan Mayor Henry Joel C. Teves, Pola Mayor Jennifer Cruz, Bansud Mayor Ronaldo Morada at Bongabong Mayor Michael Malaluan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ZRJ253zoh/

Scroll to Top