PDC, isinusulong ang pangmatagalang pangkaunlaran sa lalawigan

July 14, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐——๐—–, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

14 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang mga pangmatagalang programang pang-kaunlaran sa lalawigan na tinalakay sa isinagawang Provincial Development Council (PDC) meeting ngayong ika-14 ng Hulyo.

Pinangunahan ni PDC Chairperson at Goberandor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor ang pagpupulong na nakatuon ang mga pangunahing agenda sa masusing pagpaplano at pagsusulong ng mga prayoridad na proyekto at programa para sa patuloy na kaunlaran ng lahat ng lungsod at mga bayan at ng buong lalawigan.

Kasama sa mga pinagtibay na resolusyon ang Oriental Mindoroโ€™s Vision 2026-2037 na magsisilbing pangmatagalang direksyon ng lalawigan tungo sa mas matatag, progresibo at inklusibong pag-unlad.

Binigyang-pansin din ang mga programang nagsusulong sa higit na kaunlaran ng turismo ng lalawigan. Kabilang dito ang pagsasaayos ng Puerto Galera Mangrove Conservation and Ecotourism Area at Tourism Access Bridge sa Bulabod Tourism Area sa barangay Dulangan, Puerto Galera at pagsusulong ng Climate-Smart Quality Inclusive and Resilient Education (ACQUIRE) Project.

Bukod dito, kasama rin sa inaprubahang resolusyon ng PDC ang pag-indorso ng panukalang super bridge for Batangas and Mindoro (BBM) Project upang mailapit sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr.

Samantala, dumalo at sumuporta sa gawain ang mga Bokal ng Una at Ikalawang Distrito at ex-officio members na sina Sangguniang Panlalawigan Committee Chairperson on Planning and Budgeting Bokal Ryan Z. Arago, ABC Provincial Federation President Bokal Ralph Jonnel D. Recto, Bokal Marion Francis D. Marcos, Bokal , Bokal Alexandra โ€œAleliโ€ Casubuan-Tan, Bokal Jomarc Philip E. Dimapilis, mga punumbayan na sina Baco Mayor Allan Roldan, Gloria Mayor Nemmen Perez, Naujan Mayor Henry Joel Teves, Bongabong Mayor Michael Malaluan, San Teodoro Mayor Karen Miranda, Victoria Mayor Richard Inciong, Puerto Galera Mayor Robinhood Ylagan, Mansalay Mayor Ferdinand Maliwanag at Bansud Mayor Ronaldo Morada, mga miyembro ng PDC mula sa ibaโ€™t ibang Civil Society Organizations (CSOs) at mga hepe at kawani ng Kapitolyo.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/19MSre63xC/?mibextid=wwXIfr

Scroll to Top