Magbigay ng dugo, magligtas ng buhay

July 14, 2026 | News by PISD

𝗠𝗮𝗴𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗱𝘂𝗴𝗼, 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆

Para sa mga nagnanais makiisa sa programang Mass Blood Donation Activity na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Blood Council (OMBC), maaaring bisitahin ang bagong OMBC Public Portal kung saan makikita ang updated Monthly Blood Donation Schedule sa ating lalawigan.

I-click lamang ang https://tiny-url.com/ombc-portal.

Dito, makikita ng mga nagnanais mag-donate ng dugo ang mga sumusunod na impormasyon:

mga petsa kung kailan gaganapin ang blood donation campaigns;

lugar kung saang barangay o pasilidad gaganapin ang donation drives; at

mga impormasyon at paalala para sa mga nais mag-donate.

Para sa iba pang mga detalye, makipag-ugnayan sa Oriental Mindoro Blood Council sa teleponong 0926 071 3274 at sa ombc.capitol@gmail.com.

Source: Oriental Mindoro Blood Council

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HNHawJzUQ/

Scroll to Top