Libre ang paggamit ng ambulansya ng Kapitolyo

July 14, 2026 | News by PISD

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐀𝐌𝐁𝐔𝐋𝐀𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐎𝐋𝐘𝐎.

Ngayong hapon ay binasbasan na natin ang 2 bagong Patient Transport Vehicles ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Muli, taos-pusong nagpapasalamat tayo sa PCSO sa pangunguna ni General Manager Melquiades A. Robles. Malaking tulong ito para sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa aming mga kababayan.

NANANATILING LIBRE ANG SERBISYO NG AMBULANSYA NG KAPITOLYO. Sa lahat po ng makakaranas na pagbayarin sa mga ambulansya ng Kapitolyo, ipagbigay alam lamang sa ating tanggapan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Env2M6oDo/

Scroll to Top