July 15, 2026 | News by PISD

PANOORIN: Si Hershey Mae R. Malimata, 21 taong gulang at Fourth Year student sa kursong Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) sa Mindoro State University, ay isa sa limang kwalipikadong mag-aaral sa Brgy. Sta. Isabel, Naujan na benepisyaryo ng Presidential Scholarship Program ng Pamahalaang Nasyunal.
Bilang kauna-unahan sa kanilang pamilya na makapagtatapos ng kolehiyo, bitbit niya ang buong suporta ng kaniyang mga magulang at ang pag-asa mula sa tulong na kaloob ng gobyerno upang magpursige na makamit ang kaniyang mga pangarap.

