July 14, 2026 | News by PISD

6,155 pamilya sa Lungsod ng Calapan, benepisyaryo ng LGSF Food Assistance
14 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Muling nagpatuloy ngayong araw ang pamamahagi ng bigas para sa 6,155 pamilyang benepisyaryo sa Lungsod ng Calapan sa ilalim ng programang Local Government Support Fund (LGSF) – Food Assistance ng Pamahalaang Nasyunal na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor katuwang ang mga kawani ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ang pamimigay ng tig-10 kilo ng bigas para sa mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Lungsod ng Calapan na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan.
“Mahal kayo ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Ito’y para sa inyo,” ang buod ng mensahe ni Gob. Dolor sa mga mamamayan.
