July 11, 2026 | News by PISD

11 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Isang inisyatibang naglalayong makapaglikom ng dugo para sa mga nangangailangang pasyente ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa Xentro Mall, Lungsod ng Calapan ngayong araw.
Pinangunahan ang Bloodletting Activity ng Provincial Health Office na pinamumunuan ni PHO II Dr. Cielo Angela Ante sa pamamagitan ng Oriental Mindoro Blood Council (OMBC) sa pangunguna ni OMBC Executive Director Ruel Quinzon.
Naging katuwang naman sa gawain ang MMG Hospital, Calapan City Blood Council sa pamumuno ni Calapan City Blood Council Chairperson at Calapan City Councilor Jun Cabailo.
