Libreng Bakuna Kontra-Pneumonia, kaloob sa mga kawaning Senior Citizens ng Kapitolyo

July 13, 2026 | News by PISD

𝗟𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮-𝗣𝗻𝗲𝘂𝗺𝗼𝗻𝗶𝗮, 𝗞𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯

𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗮𝘄𝗮𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹𝘆𝗼

13 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Sa layuning maprotektahan ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan laban sa mga sakit at isulong ang isang ligtas at malusog na workplace, isinasagawa ngayong araw ang Pneumococcal Vaccination Activity para sa mga kwalipikadong senior citizen na kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Pinangangasiwaan ito ng mga kawani ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Department of Health (DOH) Administrative Order No. 2015-0009, National Policy on the Health and Wellness Program for Senior Citizens at DOH Administrative Order 2011 -0018, Implementation of Influenza and Pneumococcal Immunization for Senior Citizens.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1LgjKzUSTN/

Scroll to Top