Gov. Dolor, inispeksyon ang ipinatatayong Php15M OrMin. BSP at GSP Campsite sa Mansalay

July 12, 2026 | News by PISD

๐—š๐—ผ๐˜ƒ. ๐——๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ, ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ฝ๐Ÿญ๐Ÿฑ๐—  ๐—ข๐—ฟ๐— ๐—ถ๐—ป. ๐—•๐—ฆ๐—ฃ ๐—ฎ๐˜ ๐—š๐—ฆ๐—ฃ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†

12 Hulyo 2026, Mansalay – Personal na inispeksyon ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor, kasama si First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor, ang itinatayong Php15M Oriental Mindoro Boy Scouts of the Philippines (BSP) at Girl Scouts of the Philippines (GSP) Campsite sa Cabalwa, Mansalay na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kabilang sa mga ipinatatayo rito ang headquarters ng GSP at BSP, Multi-Purpose Building, kusina, water system upang magkaroon ng maayos na suplay ng tubig, at ibang kinakailangang pasilidad para sa campers.

Ibinahagi ng Ama ng Lalawigan na inaasahang maaari nang magamit ang campsite para sa susunod na Scout Jamboree kapag natapos na ang konstruksyon nito.

Nagpasalamat din siya kay dating 2nd District Representative Manny Andaya at kabiyak niyang si Sally Andaya sa donasyong dalawang ektaryang lupa para rito.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EcEheF31b/

Scroll to Top