July 12, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa bayan ng Pinamalayan sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) Food Assistance ng Pamahalaang Nasyunal na pinamamahalaan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa pangangasiwa ng Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, layunin ng programa na tulungan ang mga nangangailangang Mindoreño na matustusan ang kanilang gastusin sa pagkain, kasabay ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Sa pamamagitan ng Sagip Saka, isa rin itong hakbang ng pamahalaan upang suportahan ang sektor ng mga magsasaka sa lalawigan na siyang pinagkunan ng suplay ng bigas na ipinamahagi sa mga mamamayan.
Pinangasiwaan ang pamamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo, Provincial Agriculturist’s Office na pinangangasiwaan ni Provincial Agriculturist Christine Pine at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinangungunahan ni PGDH-PDRRMO Vinscent Gahol, katuwang ang mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan.
Dumalo rin sa pamamahagi sina First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Governor’s Office Chief of Staff Nette Dalupan at Executive Assistant IV Joey Dalupan.
Abangan ang buong detalye ng balita.
