July 12, 2026 | News by PISD


TINGNAN: Ang pamamahagi ng tig-10 kilong bigas sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) Food Assistance sa bayan ng Gloria.
Sa pamamagitan ng Republic Act No. 11321 o mas kilala bilang ang Sagip Saka Act, ang mga bigas na ipinamamahagi sa mga residente ay binili sa mga kooperatiba sa Oriental Mindoro bilang suporta ng pamahalaan sa sektor ng mga magsasaka.
Pinangasiwaan ang pamamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo, Provincial Agriculturist’s Office na pinangangasiwaan ni Provincial Agriculturist Christine Pine at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinangungunahan ni PGDH-PDRRMO Vinscent Gahol, katuwang ang mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan.
Abangan ang buong detalye ng balita.
