July 13, 2026 | News by PISD


TINGNAN: Nasa 2,287 ang bilang ng mga pamilya mula sa 15 barangay sa Bulalacao ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas sa ikalawang araw ng pamamahagi nito sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) Food Assistance ng Pamahalaang Nasyunal sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, layunin ng distribusyon na tulungan ang mga residenteng lubhang nangangailangan sa nasabing bayan.
Patuloy itong pinangangasiwan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo, Provincial Agriculturist’s Office na pinangangasiwaan ni Provincial Agriculturist Christine Pine at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinangungunahan ni PGDH-PDRRMO Vinscent Gahol, katuwang ang mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan.
Dumalo rin sa pamamahagi sina First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor, Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II at mga kapulisan mula sa Bulalacao Police Station sa pamumuno ni Police Major Junrel D. Amotam.

