Ang pamamahagi ng bigas sa Bongabong

July 12, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Sa ilalim ng Local Government Support Fund( LGSF) Food Assistance, nakatanggap ng tig-10 kilong bigas ang mga residenteng lubhang nangangailangan sa bayan ng Bongabong.

Isa itong programa ng Pamahalaang Nasyunal na ipinatupad sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor.

Kasabay nito ang adhikaing matulungan ang sektor ng mga magsasaka sa lalawigan na pinagmulan ng mga bigas na ipinamahagi sa mga residente.

Pinangasiwaan ang pamamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo, Provincial Agriculturist’s Office na pinangangasiwaan ni Provincial Agriculturist Christine Pine at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinangungunahan ni PGDH-PDRRMO Vinscent Gahol, katuwang ang mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan.

Abangan ang buong detalye ng balita.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DFvwgcdn2/

Scroll to Top