Ang pamamahagi ng bigas sa Bansud

July 12, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Nakatanggap ng tig-10 kilong bigas ang mga residente sa bayan ng Bansud mula sa Local Government Support Fund (LGSF) Food Assistance ng Pamahalaang Nasyunal na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ito’y bilang suporta at tulong ng pamahalaan sa mga pamilyang lubos na nangangailangan sa nasabing bayan.

Tiniyak ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na malinis at mga bagong giling ang mga bigas na ipinamahagi sa mga benepisyaryo na binili sa mga kooperatibang magsasaka sa lalawigan sa pamamagitan ng Sagip Saka Act.

Dumalo naman sa pamamahagi si Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio Turano II.

Abangan ang buong detalye ng balita.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DyusNuS4H/

Scroll to Top