2,774 pamilya sa Roxas nakatanggap ng bigas mula sa Pamahalaang Nasyunal

July 13, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Sa pamamagitan ng Sagip Saka Act, mga bagong giling na bigas mula sa mga magsasakang Mindoreño ang natanggap ng 2,774 pamilya mula sa 20 barangay sa Roxas ngayong araw sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) Food Assistance ng Pamahalaang Nasyunal.

Binigyang-linaw ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor na prayoridad ng programang ito ang mga residenteng hindi kabilang sa mga benepisyaryo ng iba pang programa ng pamahalaan tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito’y upang matulungan ang mga lubhang nangangailangang residente na matustusan kahit papaano ang kanilang pang araw-araw na gastusin tulad ng pagkain.

Patuloy na pinangangasiwan ang distribusyon ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni PGDH-PSWDO Zarah C. Magboo, Provincial Agriculturist’s Office na pinamamahalaan ni Provincial Agriculturist Christine Pine at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinangungunahan ni PGDH-PDRRMO Vinscent Gahol, katuwang ang mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng Pamahalaang Panlalawigan.

Abangan ang buong detalye ng balita.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Apohaekui/

Scroll to Top