105 barangay sa Ikalawang Distrito, nakatanggap ng tig-Php200,000.00 mula sa Pamahalaang Nasyunal

July 13, 2026 | News by PISD

๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฑ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ, ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ด-๐—ฃ๐—ต๐—ฝ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฌ,๐Ÿฌ๐Ÿฌ๐Ÿฌ.๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—น

13 Hulyo 2026, Roxas โ€“ Ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa kaunlaran ng mga barangay at ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ito ang mensahe ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa paunang 105 benepisyaryong barangay sa ikalawang distrito na nakatanggap ng tig-Php200,000.00 halaga ng tseke mula sa Pamahalaang Nasyunal.

Sa ilalim ng programang โ€œBawat Barangay Makikinabangโ€ ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos, Jr., at sa suporta ni Executive Secretary Ralph Recto, ipinamahagi ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kabilang sa mga naging benepisyaryo nito ang 24 na mga barangay sa Pinamalayan, 14 mula sa Gloria, 11 mula sa bayan ng Bansud, 27 sa Bongabong, siyam mula sa bayan ng Roxas, walong barangay mula sa Roxas at 12 barangay mula sa Bulalacao.

Sa nabanggit na halaga, laan ang Php100,000.00 para sa educational assistance ng mga matutukoy na mag-aaral sa bawat barangay at Php100,000.00 para sa pagpapatupad ng mga prayoridad na proyektong magsusulong ng higit pang kaunlaran ng mga barangay.

Bagamaโ€™t mayroon nang nakalaang pondo para sa lahat ng barangay sa lalawigan, kinakailangan pa ring magsumite ng bawat benepisyaryo ng mga dokumentong hinihingi ng Pamahalaang Nasyunal alinsunod sa Executive Order No. 35, Series of 2026 upang matanggap ito.

Gayundin, responsable ang bawat benepisyaryong barangay sa maayos na paggamit ng nasabing tulong pinansyal batay sa programa.

Pinangasiwaan ang gawain ng Office of the Governor, katuwang ang Provincial Treasurerโ€™s Office (PTO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at iba pang mga departamento ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sinuportahan ang gawain nina First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor, Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano, Sangguniang Panlalawigan Board Member at Provincial ABC President Ralph D. Recto, Pinamalayan Mayor Rodolfo Magsino, Gloria Mayor Teresita Ong kasama si Vice Mayor Wil Condesa, Bongabong Mayor Mike Malaluan, ABC Presidents ng mga bayan at Municipal Councilors ng ikalawang distrito ng Oriental Mindoro.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GmD6mnoAM/

Scroll to Top