July 9, 2026 | News by PISD



𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁 𝗦𝘁𝗮𝘁𝘂𝘀 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 #𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆
09 Hulyo 2026 – Mula sa White Alert Status, itinaas sa Blue Alert Status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (PDRRM OpCen) kaninang alas-6 ng umaga.
Alinsunod ito sa PDRRM Council (PDRRMC) Memorandum No. 005, Series of 2026 na nilagdaan ni PDRRMC Oriental Mindoro Chairperson Governor Humerlito “Bonz” A. Dolor.
Layunin nitong mas paigtingin ang monitoring, kooperasyon sa mga emergency agencies at paghahanda sa mga posibleng epekto ng mas pinalakas na Habagat o (Southwest Monsoon) na dala ng Bagyong #Inday sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Basahin ang kabuuang nilalaman ng nasabing Memorandum na inilabas ng PDRRMC.
