RAFMES Training, pinalakas ang Digital Registration ng Agricultural Machinery sa Oriental Mindoro

July 8, 2026 | News by PISD

๐Ÿšœ๐Ÿ’ป ๐—ฅ๐—”๐—™๐— ๐—˜๐—ฆ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ

Mas maayos na datos, mas mahusay na pagpaplano para sa mekanisadong agrikultura.

Bilang bahagi ng pagsusulong ng digital transformation sa sektor ng agrikultura, isinagawa ang Hands-on Training on the Use of the Registration of Ownership of Agricultural and Fisheries Machinery and Equipment System (RAFMES) noong Hulyo 7, 2026 sa Tamaraw Hall, Provincial Capitol Complex, Calapan City.

Pinangunahan ang pagsasanay ng Department of Agriculture โ€“ Regional Agricultural Engineering Division (DA-RAED) at ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech), sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro at Provincial Agriculturistโ€™s Office.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga technical personnel sa paggamit ng RAFMES, isang online registration system na itinatag sa ilalim ng Agricultural and Fisheries Mechanization (AFMech) Law o Republic Act No. 10601 para sa pagrerehistro ng pagmamay-ari ng mga agricultural at fisheries machinery at equipment.

Sa pagsasanay, tinalakay ang mga polisiya at alituntunin sa registration alinsunod sa DA-DILG Joint Memorandum Circular No. 2018-02, gayundin ang wastong paggamit ng RAFMES. Nagsagawa rin ng hands-on exercises kung saan aktuwal na natutunan ng mga kalahok ang paggawa ng user accounts, data encoding at updating, data validation, pag-print ng QR stickers at CAFMER, at report generation.

Ayon sa PHilMech, mahalagang bahagi ang RAFMES sa pagbuo ng isang organisado at digitalized na database ng mga makinaryang ginagamit sa agrikultura at pangisdaan. Ang impormasyong ito ay magsisilbing mahalagang batayan sa pagpaplano, pagmomonitor, at pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa mekanisasyon ng sektor.

Ang inisyatibong ito ay kaakibat ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa ilalim ng pamumuno ni Governor Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor at ng Provincial Agriculturistโ€™s Office sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Christine M. Pine sa pagsusulong ng modernisasyon, mekanisasyon, at digitalization ng agrikultura para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at mangingisda ng lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CM6gZxXQY/

Scroll to Top