Php1.06M, tulong pinansyal ng Panday Bayanihan Party-list sa mga mag-aaral sa lalawigan

July 7, 2026 | News by PISD

𝗣𝗵𝗽 𝟭.𝟬𝟲𝗠 𝗧𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴-𝗣𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗱𝗮𝘆 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆-𝗹𝗶𝘀𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝘀𝗮 𝗟𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻

07 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Umabot sa kabuuang Php1,060,000.00 tulong-pinansyal mula sa Panday Bayanihan Party-list ang ipinagkaloob sa 106 kwalipikadong mag-aaral sa lalawigan.

Tumanggap ng tig-P10,000 ang mga mag-aaral mula sa una at ikalawang distrito ng Oriental Mindoro sa ilalim ng programang pinondohan ng Panday Bayanihan Party-list at ipinatupad sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin ng programa na mabigyan ng suportang pinansyal ang mga mag-aaral upang makatulong sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral.

Umabot sa P1,060,000.00 ang kabuuang halagang naipamahagi sa mga benepisyaryo sa isinagawang programa sa Kapitolyo.

Kinatawan ni First Lady Hiyas Ramos Dolor si Panday Bayanihan Party-list Representative Brian Poe sa programa upang tanggapin ang mga mag-aaral.

“Mag-aral na mabuti para makatapos ng pag-aaral at maabot ang pangarap…”

Bilang suporta, dumalo rin sa gawain sina Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor at Sangguniang Panlalawigan First District Board Member Ryan Z. Arago.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18r4Bh2bL2/

Scroll to Top