OMCDH, ipinagdiwang ang Buwan ng Nutrisyon

July 7, 2026 | News by PISD

🌿🥗 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐚𝐧! | 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐊𝐢𝐜𝐤-𝐎𝐟𝐟 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 at OMCDH💚

Bilang pagbubukas ng selebrasyon ng Nutrition Month 2026 na may temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan,” ang Oriental Mindoro Central District Hospital, sa pangunguna ng Nutrition and Dietetics Service, ay nagsagawa ng isang makabuluhang programa na naglalayong isulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan.

Naging tampok sa programa ang isang production number mula sa Dietary Department na nagbigay sigla sa pagdiriwang. Sinundan ito ng iba’t ibang palaro na nilahukan ng mga empleyado ng ospital, na hindi lamang naghatid ng kasiyahan at pagkakaisa, kundi nagpalawak din ng kanilang kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon, responsableng pangangalaga sa kalikasan, at pagtataguyod ng mas malusog na pamumuhay.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CqjFx4rNL/

Scroll to Top