Mga bagong sasakyan, ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa LGUs

July 7, 2026 | News by PISD

07 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, ang turnover ng mga sasakyan para sa mga bayan ng Pinamalayan, Roxas, San Teodoro, Pola, Naujan at Bulalacao na ginanap sa Bulwagang Panlalawigan ngayong gabi.

Binasbasan ni Fr. Willy Abas ang mga sasakyan kasabay ng panalangin para sa kaligtasan, gabay, at proteksiyon ng mga gagamit nito para sa patuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa mga mamamayan ng lalawigan.

Dumalo rin sa gawain ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Bokal Atty. Jom Dimapilis, Bokal Ryan Arago, Bokal Ralph Jonnel Recto, Bokal Marion Marcos, at Bokal Atty. Rolando Ruga, kasama sina Mayor Henry Joel Teves, Mayor Mike Malaluan, Mayor Teresita Ong, mga konsehal mula sa iba’t ibang bayan, at iba pang mga opisyal ng lalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1D1eJJm6Yj/

Scroll to Top