July 5, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐๐ข๐ , ๐๐๐จ ๐๐ฎ๐ป๐๐๐ฑ ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฅ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐ฃ๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ผ๐ฏ๐ถ๐น๐ฒ ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ฒรฑ๐ผ
5 Hulyo 2026, Bansud – Nagsanib-puwersa ang Provincial Government of Oriental Mindoro (PGOM), Pamahalaang Bayan ng Bansud, at Professional Regulation Commission (PRC) MIMAROPA upang mailapit ang mga serbisyo sa mga residente at propesyonal sa dalawang araw na PRC Mobile Service sa Bansud.
Layunin ng inisyatibang ito na gawing mas accessible ang mga serbisyo ng PRC sa mga Mindoreรฑo.
Nasa 410 bagong propesyunal at mga nais maging propesyunal ang nakinabang sa mas mabilis at mas maginhawang access sa iba’t ibang serbisyo ng PRC nang hindi na kinakailangang bumiyahe pa sa Calapan.
Kabilang sa mga serbisyong inihatid ang pagtanggap ng aplikasyon para sa licensure examinations, initial registration ng mga bagong lisensiyadong propesyunal, renewal at duplication ng Professional Identification Card (PIC), gayundin ang certification at authentication ng mga dokumento ng PRC.
Isinagawa ang programa sa pamamagitan ng PRC Calapan Service Center, katuwang ang Provincial Public Employment Service Office (PPESO) at Municipal Public Employment Service Office (PESO) ng Bansud.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng Bansud.
OrMinPESO

