PAgO, GSO at NFA, magkakatuwang na nag-inspeksyon sa rice prviders sa ilalim ng Sagip Saka Program

July 6, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—”๐—ด๐—ข, ๐—š๐—ฆ๐—ข ๐—ฎ๐˜ ๐—ก๐—™๐—”, ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ฝ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

06 Hunyo 2026, Oriental Mindoro – Bilang bahagi ng paghahanda sa pagpapatupad ng Sagip Saka Program at upang matiyak na de-kalidad ang ipamamahaging bigas sa mga benepisyaryo nito sa lalawigan, nagsagawa ng inspeksyon ngayong ika-06 ng Hulyo ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculturistโ€™s Office (PAgO), katuwang ang Provincial General Services Office (PGSO) at mga kinatawan mula sa National Foods Authority (NFA) sa limang (5) rice providers na nanalo sa bidding.

Layunin nitong tiyakin ang kahandaan ng mga ito base sa mga itinakdang pamantayan sa pagpoproseso at produksyon ng bigas. Sa pamamagitan nito, maisisigurong maganda ang kalidad ng bigas na matatanggap ng bawat benepisyaryo.

Kasama sa mga lokal na samahan at kooperatiba na magsusuplay ng bigas sa ilalim ng Sagip Saka Program ang Naujan Multi-purpose Cooperative (NAMCO), Cacawan Sinag Agriculture Cooperative, Salcedo Irrigatorโ€™s and Farmerโ€™s Agriculture Cooperative (SIFAgCO), Calapan Farm Family Multi-Purpose Cooperative (CALFFAMCO) at Bongabong Coconut Farmers Multipurpose Cooperative (BOCOFAMCO).

Magsisimula nang mamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng bigas sa ika-10 ng Hulyo sa lahat ng mga bayan at Lungsod sa lalawigan.

Samantala, bukod sa mga benepisyaryo ng programa, itinuturing din na malaking tulong ito sa mga lokal na magsasaka ng lalawigan para mapataas ang kanilang produksyon, ani at kita.

Source: https://www.facebook.com/share/p/17oTXibThu/

Scroll to Top