ORMECO: Suplay ng kuryente sa lalawigan, mas maayos na ngayong buwan ng Hulyo

July 6, 2026 | News by PISD

๐—ข๐—ฅ๐— ๐—˜๐—–๐—ข: ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป, ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ

06 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan โ€“Mas maayos na sa kasalukuyan at wala na sa kritikal na lebel ang suplay ng kuryente sa lalawigan.

Ito ang kinumpirma ni Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO) General Manager Humphrey Dolor sa Question Hour na ginanap sa Regular Session ng 12th Sangguniang Panlalawigan ngayong araw sa pangunguna ni Bise Gobernador Antonio S. Perez, Jr.

Matatandaan na noong buwan ng Mayo, inanunsyo ni GM Dolor ang naranasang kakulangan sa suplay ng kuryente na naging sanhi sa pagkakaroon ng rotational brownout upang maiwasan ang tuluyang pagbagsak nito.

Gayunpaman, tiniyak ng ORMECO sa harap ng 12th SP na unti-unting nasolusyunan ang problemang ito at napababa na ang kaso ng power interruption simula sa pagpasok ng Hunyo.

Sa pagsisimula ng buwan ng Hulyo, nalampasan na umano ang krisis sa suplay ng kuryente sa lalawigan at naging pinakamabilis na solusyon dito ang pagpasok ng ORMECO sa Emergency Power Supplier Agreement (EPSA) na kasalukuyang nagbibigay ng karagdagang 19 MegaWatts (MW) upang tugunan ang pangangailangan ng mga Mindoreรฑo sa kuryente.

Gayunpaman, binigyang-linaw rin ng nasabing organisasyon na naging kaakibat nito ang nararanasang pagtaas sa singil ng kuryente na anilaโ€™y alinsunod sa inaaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at hindi ipinatutupad base lamang sa kanilang pansariling desisyon.

Inaasahan naman na sa loob ng isang taon bago matapos ang 2026, tuluyan nang magiging operational ang Independent Power Providers (IPPs) na kakontrata ng ORMECO upang tuluyan nang maibibigay ang kabuuang 57MW.

Isa itong pangmatagalang solusyon upang hindi na umasa pa ang lalawigan sa EPSA, mas mapapababa ang singil, at tuluyan nang magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente.

Nanawagan naman si GM Dolor sa publiko na tumutok lamang sa mga lehitimong social media accounts, partikular sa pangunahing Facebook page ng ORMECO ukol sa mga anunsyo, kasabay ng kaniyang paalala na huwag basta maniwala sa mga kumakalat ng maling impormasyon.

Kabilang din sa dumalo sa gawain ang mga kinatawan mula sa National Power Corporation (NAPOCOR), National Transmission Corporation (TransCo), at ibaโ€™t ibang IPPs.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/19CuvbfrK9/

Scroll to Top