Mga bagong opisyal ng PICPA Oriental Mindoro Chapter, nanumpa sa harap ni Gov. Dolor

July 5, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—œ๐—–๐—ฃ๐—” ๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—บ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ. ๐——๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ

05 Hulyo 2026 | Lungsod ng Calapan- Pormal na nanumpa sa harap ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor, bilang inducting officer, ang mga bagong opisyal ng Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA)โ€“Oriental Mindoro Chapter sa ginanap na Induction and Turnover Ceremony sa Kapitolyo nitong Linggo, Hulyo 5.

Pinangunahan ni incoming Chapter President Mark Christian Castillo ang panunumpa kasama ang bagong hanay ng mga opisyal, hudyat ng pagsisimula ng kanilang panunungkulan at paglilingkod sa samahan ng Certified Public Accountants (CPA) sa lalawigan. Kasama rin ng grupo ang lahat ng opisyal ng PICPA.

Naging bahagi rin ng programa ang pagkilala sa mga bagong CPA, kabilang si Charles Gabriel M. Beron, na Top 18 sa nakaraang May 2026 Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE).

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gob. Dolor na bagama’t kakaunti ang mga myembro ng organisasyon sa lalawigan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga CPA sa maayos, tapat, at transparent na pamamahala ng pananalapi sa pamahalaan at pribadong sektor. Aniya, malaki ang kanilang ambag sa wastong paggamit ng pondo at pagpapanatili ng pananagutan sa mga institusyon.

Kasunod nito, ipinahayag din ni Gob. Dolor ang kanyang patuloy na suporta sa PICPA. Kabilang na rito ang planong pagkakaloob ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong mag-aaral ng kursong Accountancy.

Kagalakan at pasasalamat naman mensahe ng mga opisyal ng samahan sa patuloy na suporta sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kabilang sa mga dumalo sa programa sina PICPA Southern Tagalog Region (STAR) Regional Director Maria Elma L. Ilagan-Ame at First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1D8DWN1m9m/

Scroll to Top