July 6, 2026 | News by PISD

𝗠𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗣𝟭.𝟴𝗠 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝘀𝘆𝗮𝗹, 𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮, 𝗶𝗯𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻, 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗢𝗙𝗪𝘀
06 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Mahigit P1.8 milyong halaga ng tulong-pinansyal ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa iba’t ibang kooperatiba, samahan, institusyon, at mga returning Overseas Filipino Workers (OFWs) sa isang seremonya na personal na pinangunahan ni Gob. Bonz Dolor kasama si First Lady Hiyas Govinda Ramos Dolor.
Tumanggap ng kabuuang P1,590,000.00 ang mga sumusunod:
● Socorro Teachers Employees Credit Cooperative
● Gabay sa Kaunlaran Agriculture Cooperative
● Samahang Pangkabuhayan ng Taga-Dulangan
● San Juan Rural Improvement Club (RIC)
● Adrialuna Farmers Association
● Samahang Pangkabuhayan ng Iligan
● Mayabig Baco Agriculture Cooperative
● Lakas-Bisig ng mga Magsasaka ng Prutas at Gulay
● Tabinay Puerto Galera Sagip Kalikasan at Kabuhayan
● Samahang Ligtas sa Kabukiran sa Tribong Alangan Patungo sa Kaunlaran ng Kape at Iba Pang Pagkakakitaan
● Dao Water Lily Association
● Tukuran Cart Association; Barangay Poblacion III sa Victoria
● Barangay Bethel sa Victoria
● Barangay Tacligan sa San Teodoro
● DepEd Oriental Mindoro para sa Inarawan National High School.
Nagkaloob din ang Pamahalaang Panlalawigan ng karagdagang tig-P100,000.00 bilang suporta sa kanilang mga programang pangkabuhayan sa :
● Samasabalatasan Agriculture Cooperative (SAMASABALATASANCO)
● Mansalay Agriculture and Fisheries Development Cooperative (MAFDECO)
Samantala, pitong returning OFWs ang tumanggap ng kabuuang P60,000.00 sa ilalim ng PGOM OFW Assistance Program na naglalayong agapayan sila sa kanilang muling pagbabalik bunsod ng kanilang kalagayang pangkalusugan.
Ang pamamahagi ng tulong-pinansyal ay tanda ng patuloy na pagsisikap ng administrasyon ni Gob. Dolor na palakasin ang iba’t ibang sektor sa Oriental Mindoro upang mapalawak ang mga oportunidad sa kabuhayan at maisulong ang pangmatagalang kaunlaran sa lalawigan.
