Edukasyon ng mga Katutubo, higit na pinalalakas; 87 PPsKA Teachers, lumagda sa panibagong kontrata

July 6, 2026 | News by PISD

๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ, ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€; ๐Ÿด๐Ÿณ ๐—ฃ๐—ฃ๐˜€๐—ž๐—ฎ ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—Ÿ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฎ

06 Hulyo 2026, Lungsod ng Calapan – Muling pinalawig ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang serbisyo ng 87 guro ng Programang Pang-edukasyon sa Kalibliban (PPsKa) matapos lagdaan nina Gobernador Humerlito “Bonz” Dolor at PGDH-PESO Manager Antonio Magnaye, Jr. ang panibagong anim na buwang kontrata ng mga ito, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng edukasyon sa mga pamayanang katutubo.

Tinitiyak ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagpapatuloy ng programa upang maabot ang mas maraming batang katutubo sa mga liblib na komunidad. Ipinahayag din ng Gobernador ang panibagong dagdag sa buwanang sahod ng mga guro bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghahatid ng edukasyon.

Ayon sa Ama ng Lalawigan, kabilang ang PPsKa sa mga pangunahing programang kanyang isinailalim sa pagsusuri noong 2019 sa kanyang pag-upo bilang Gobernador at napatunayan nitong nakatulong sa pagpapalawak ng akses sa edukasyon ng mga batang katutubo. Aniya, mahalaga rin na ang mga guro ay mula mismo sa Indigenous Peoples (IP) communities dahil mas nauunawaan nila ang wika, kultura, at kalagayan ng kanilang mga mag-aaral.

Pinaalalahanan din niya ang mga guro na ipagmalaki ang kanilang propesyon at ang kanilang mahalagang tungkulin sa lipunan.

“Hindi kayo second-rate teacher. Hindi kayo mababang uri ng guro. Dahil kayo ay guro,” ani ng gobernadorโ€ฆ”Ikarangal ninyo na kayo ay kawani ng Pamahalaang Panlalawigan. Kayo ay mga teacher, at napakalaki ng inyong papel sa kinabukasan ng ating mga kabataang katutubo.”

Bahagi rin ng kanyang naging mensahe ang kanyang pagbibigay-diin sa layunin ng kanyang administrasyon na maliban sa PPsKA patuloy na isinusulong ang Zero Illiteracy and Innumeracy Program (ZIIP) sa mga pamayanang katutubo upang matiyak na walang Katutubong Mangyan na maiiwang hindi marunong bumasa, sumulat, at magbilang.

Samantala, inaasahang madaragdagan pa ng 10 mga bagong guro ang kasalukuyang 87 PPsKa teachers upang mas mapalawak ang saklaw ng programa at mas marami pang batang katutubo ang mabigyan ng dekalidad na edukasyon sa Oriental Mindoro.

Sinaksihan ang paglagda ni First Lady Hiyas Govinda Ramos-Dolor at ilang mga indibidwal na sumusuporta sa programa.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1D5qpnNWpL/

Scroll to Top