Bagong tanggapan ng GSMAC sa Kapitolyo, bukas na

July 6, 2026 | News by PISD

𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗚𝗦𝗠𝗔𝗖 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹𝘆𝗼, 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮

Handa nang magbigay ng mas episyenteng serbisyo sa publiko ang bagong opisina ng Governor’s Social and Medical Assistance Center (GSMAC) sa Kapitolyo, matapos itong basbasan at buksan ngayong ika-6 ng Hulyo.

Pinangunahan ang gawain ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, kasama si GSMAC Head Raffy Cataquiz.

Minabuti ng Pamahalaang Panlalawigan na ilagay sa unang palapag mula sa ikalawang palapag ng gusali ang GSMAC upang maging higit na madali sa mga senior citizen, buntis at Persons with Disability (PWD) na lumapit at humingi ng medikal at pinansyal na tulong.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na pagbutihin ang pagbibigay ng mga serbisyo sa publiko upang tuwirang maramdaman ng mga ito na may pamahalaang handang umagapay lalo na sa panahon ng kanilang pangangailangan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Baw1crgFh/

Scroll to Top