July 2, 2026 | News by PISD


𝐓𝐨𝐮𝐫𝐢𝐬𝐦 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐁𝐞𝐧𝐜𝐡𝐦𝐚𝐫𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐨𝐮𝐫 𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐃𝐞𝐦𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐅𝐚𝐫𝐦
Mas pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang ugnayan ng agrikultura at turismo sa pamamagitan ng pagsusulong ng farm tourism bilang daan sa mas maraming oportunidad para sa kabuhayan at lokal na pag-unlad.
Bilang bahagi ng Quarterly Meeting ng Oriental Mindoro Tourism Officers and Coordinators noong Hulyo 1, 2026, nagsagawa ng Benchmarking Tour ang mga Tourism Officers at Coordinators mula sa iba’t ibang bayan sa Provincial Demonstration Farm sa Brgy. Merit, Victoria.
Sa pagbisita, ipinakilala ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO) ang iba’t ibang agricultural technologies, farm tourism initiatives, at mga programang maaaring maisulong sa kani-kanilang mga munisipalidad. Layunin din nitong maipakilala ang Provincial Demonstration Farm bilang isa sa mga pangunahing farm tourism destinations ng lalawigan.
