PEAP Scholars mula ICST, nagpasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan

July 2, 2026 | News by PISD

“𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭.”

Nagpahayag ng taus-pusong pasasalamat sina Ethylbet Mayamaya ng bayan ng Gloria, Nicole Manato ng bayan ng Bansud, at Kristine Fabregas ng bayan ng Bongabong kay Gov. Bonz para sa patuloy na pagsuporta sa mga kabataang iskolar sa pamamagitan ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP). Sila ay mga mag aaral ng Innovative College of Science and Technology (ICST).

Ayon sa kanila, malaking kagaanan para sa kanila ang natanggap na educational allowance na magsisilbing dagdag-suporta sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral .

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/r/1LyBaR38kU/

Scroll to Top